Tuesday, November 13, 2007

Wala lang...

Madalas nating sabihin 'wala lang' na halos katumbas ng 'whatever' sa Ingles. Dala ng kasanayan o araw-araw na gamit, maaaring ikaw mismo ngayon ay ganito sumagot kapag wala ka nang masabi.

Sa tagal ng hindi ko pagbalagbag dito, wala akong masabi kundi--wala lang.

Tuesday, January 17, 2006

Galaw-galaw

Oo nga, kumbaga sa radyo, nawala ako sa ere -- sobra!

Sabi nga ni Lhen, sa sobrang dami ko raw pinagkaka-abalahan, marami na 'kong nalilimutang kalikutin -- hehehe -- hindi 'yon.

Sa dami nga ng kailangan ko pang pagka-abalahan, 'di ko alam kung saan magsisimula. Buti na lang, nakakasingit pa akong mag-'Internet' dahil inangkin na ng mga anak ko ang kinakalawang kong 'laptop' at inaraw-araw ang paglalaro ng 'Empire Earth' at 'Warcraft III' (buti 'yon para malimutan nila ang inuungot nilang 'PSP' o kaya 'Gameboy Micro' daw).

Hay... sandali at meron na naman akong kailangang gawin!

Tuesday, December 20, 2005

Punong Abala

Sobra, ngayon ko lang uli ito gagawin.

Sa dami ng ginagawa ko ngayon (tulog ng 1am, gising ng 6:30am, trabaho, trabaho, trabaho...) talagang wala ng oras (ultimo pamamasyal sa 'Web' hindi ko na magawa), pati si Lhen nagrereklamo na.

Ang totoo, isa na akong punong abala. Sa nagdaang tatlong (3) buwan, wala akong ibang ginawa kundi magparo't-parito, Caloocan - ParaƱaque, Ortigas - Makati, mag-ayos ng mga ipinamanang problema at humarap sa mga kakaibang pagsubok. Hindi naman talaga ako 'sales person' pero ngayon, kahit natutulog na ako, maraming numero (milyong piso) ang nagtatalun-talon sa isip ko. Benta, benta, benta... Awa ng Itaas, hindi pa ako sumusuko.

Ansarap, kasi balik sa dating gawi -- ang 'Pinoy-style' na 'corporate politics' -- 'chicken' na nga sa akin 'to eh. At ang walang kapararakang tsismis ng kung anu-ano para itaas o ibaba ang kasama sa trabaho -- hay, 'kailangan pa bang i-memorize niyan?' sabi nga sa radyo.

Ang mahalaga, minsan hindi mo kailangan ng sandamakmak na kaibigan, mamili ka dahil sabi nga nila, kayu-kayo rin ang magkikita sa 'finals.' Sa mga nakasama ko sa samu't-saring pagsubok nuon at ngayon, maraming salamat.

At nagkaroon pa nga ako ng panahon para dito?

Sunday, November 13, 2005

Tabing Ilog

Ako ay nasa tabing ilog...

Inaabala ang sarili sa salimuot.

Tuesday, September 27, 2005

Oo-Hindi: Basilio, Crispin, Sisa, nasan kayo?

Oo, pasulpot-sulpot ako...

Hindi, masyado kong hinanap ang mga nakasanayan ko (at talagang 'di ko na kakayanin uling ngumuyngoy sa sobrang kalungkutan at pangungulila sa asawa ko't mga anak) kaya nagdesisyon akong manatili na sa 'Pinas. Marami nga ang nagtatanong sa akin at nagtataka -- bakit? Karamihan nga't nagkukumahog at halos ibenta lahat ng ari-arian makaalis lang ng 'Pinas tapos eto ako't pinakawalan ko pa ang pagkakataong maaaring magpayaman sa akin habang buhay.

Hindi, pasensiya, pero hindi ako kailanman nasilaw ng karangyaan. Mahalaga para sa akin ang pamilya ko, ang makita kong natututo nang magsulat ng pangalan at magbilang ng hanggang sampu si Kirk Marcus (si bunso), ang makasama sa 'Family Day' at umabot sa 'big-day' ni Kurt Martin (si kuya), at siyempre ang araw-araw, gabi-gabing makasama, makatabi, makausap si Lhen (ang sinta ko) - na nasa piling nila ako sa hirap o ginhawa.

Oo, walang nagbago sa akin, ang totoo nga, mas lalong naging ako ako. Nag-ala Samson nga ako eh, pinagupit ko ang mahaba ko ng buhok, parang nagsimula uli sa dati...

Oo, '...ang mamatay ng dahil sa'yo' (ng Lokal Brown), 'Pinas pa rin...

Thursday, September 08, 2005

Wala Akong Masabi

Pero 'di ko mapigilang manggigil...

Napuyat ako 'nung isang araw (halos sinabayan ko sila sa Kongreso) para masaksihan lang ang walang ka-kwenta-kwentang pagtutuos ng samut-saring trapong mas maputi pa ang puwit ng kawali mo.

Hay...

Tuesday, September 06, 2005

Nu Luk

O dibaAng aking nu-luk, hehehe... (Tamang namamanglaw 'di ba)

Maligayang Pag-Ibig

Lhen,

Sinong mag-aakala na matatagalan nating magkatuwang na harapin ang tadyak at sipa ng buhay? Madalas mong tanungin kung bakit, ang tutoo, unang kita ko pa lang sa iyo alam kong ikaw na. Hindi kita mahal... kasi mahal na mahal na mahal na mahal na mahal (....bilyones....) kita!

Toksik Weysk