Tuesday, December 20, 2005

Punong Abala

Sobra, ngayon ko lang uli ito gagawin.

Sa dami ng ginagawa ko ngayon (tulog ng 1am, gising ng 6:30am, trabaho, trabaho, trabaho...) talagang wala ng oras (ultimo pamamasyal sa 'Web' hindi ko na magawa), pati si Lhen nagrereklamo na.

Ang totoo, isa na akong punong abala. Sa nagdaang tatlong (3) buwan, wala akong ibang ginawa kundi magparo't-parito, Caloocan - ParaƱaque, Ortigas - Makati, mag-ayos ng mga ipinamanang problema at humarap sa mga kakaibang pagsubok. Hindi naman talaga ako 'sales person' pero ngayon, kahit natutulog na ako, maraming numero (milyong piso) ang nagtatalun-talon sa isip ko. Benta, benta, benta... Awa ng Itaas, hindi pa ako sumusuko.

Ansarap, kasi balik sa dating gawi -- ang 'Pinoy-style' na 'corporate politics' -- 'chicken' na nga sa akin 'to eh. At ang walang kapararakang tsismis ng kung anu-ano para itaas o ibaba ang kasama sa trabaho -- hay, 'kailangan pa bang i-memorize niyan?' sabi nga sa radyo.

Ang mahalaga, minsan hindi mo kailangan ng sandamakmak na kaibigan, mamili ka dahil sabi nga nila, kayu-kayo rin ang magkikita sa 'finals.' Sa mga nakasama ko sa samu't-saring pagsubok nuon at ngayon, maraming salamat.

At nagkaroon pa nga ako ng panahon para dito?

1 comment:

Anonymous said...

prend maligayang pasko sayo at sayong pamilya naway maging masaya ang susunod na taon para sa inyo...