Tuesday, January 17, 2006

Galaw-galaw

Oo nga, kumbaga sa radyo, nawala ako sa ere -- sobra!

Sabi nga ni Lhen, sa sobrang dami ko raw pinagkaka-abalahan, marami na 'kong nalilimutang kalikutin -- hehehe -- hindi 'yon.

Sa dami nga ng kailangan ko pang pagka-abalahan, 'di ko alam kung saan magsisimula. Buti na lang, nakakasingit pa akong mag-'Internet' dahil inangkin na ng mga anak ko ang kinakalawang kong 'laptop' at inaraw-araw ang paglalaro ng 'Empire Earth' at 'Warcraft III' (buti 'yon para malimutan nila ang inuungot nilang 'PSP' o kaya 'Gameboy Micro' daw).

Hay... sandali at meron na naman akong kailangang gawin!

No comments: