Tuesday, September 27, 2005

Oo-Hindi: Basilio, Crispin, Sisa, nasan kayo?

Oo, pasulpot-sulpot ako...

Hindi, masyado kong hinanap ang mga nakasanayan ko (at talagang 'di ko na kakayanin uling ngumuyngoy sa sobrang kalungkutan at pangungulila sa asawa ko't mga anak) kaya nagdesisyon akong manatili na sa 'Pinas. Marami nga ang nagtatanong sa akin at nagtataka -- bakit? Karamihan nga't nagkukumahog at halos ibenta lahat ng ari-arian makaalis lang ng 'Pinas tapos eto ako't pinakawalan ko pa ang pagkakataong maaaring magpayaman sa akin habang buhay.

Hindi, pasensiya, pero hindi ako kailanman nasilaw ng karangyaan. Mahalaga para sa akin ang pamilya ko, ang makita kong natututo nang magsulat ng pangalan at magbilang ng hanggang sampu si Kirk Marcus (si bunso), ang makasama sa 'Family Day' at umabot sa 'big-day' ni Kurt Martin (si kuya), at siyempre ang araw-araw, gabi-gabing makasama, makatabi, makausap si Lhen (ang sinta ko) - na nasa piling nila ako sa hirap o ginhawa.

Oo, walang nagbago sa akin, ang totoo nga, mas lalong naging ako ako. Nag-ala Samson nga ako eh, pinagupit ko ang mahaba ko ng buhok, parang nagsimula uli sa dati...

Oo, '...ang mamatay ng dahil sa'yo' (ng Lokal Brown), 'Pinas pa rin...

2 comments:

Anonymous said...

sana maging tama lahat ang desisyon mo... goodluck pre

Unknown said...

Carl, same here with me, hirap tlaga kpag malayo sa family?