Monday, August 01, 2005

Binambo

BinamboIsa sa mga una kong pinagkaabalahan 'nung una kong linggo dito sa 'Pinas ay ang Bamboo ('yung banda). Sabi ko nuon 'ke Lhen, gusto ko pag-uwi ko, mapanood sila ('yung 'As The Music Plays' nila ang bitbit ko lang na tugtog-Noypi).

At eto na nga, nuong nakaraang Huwebes, sumugod kami sa SM Fairview para sa libre nilang 'concert.' Kasama si Lhen at ang kanyang ateng si Tess, nagtiyaga kaming mag-antay ng alas-sais (inurong nila mula alas-kuwatro) at makipag-brasuhan sa mga pasaway na estudyante, mga punk-kuno (na naka-kontodo 'make-up' pa), mga nanay-wendy (naka-paldang uso ngayon) atbp. May mga pasaway na nainip at nakipagbatuhan ng bote ng 'mineral water' na 'me lamang ihi. Hay, matatawa ka kasi pagkatapos ng 'Halleluja' nag-uwian na ang mga pasaway (siguro 'yun lang ang alam nilang kanta).

Maniwala ka, nakipagbrasuhan din ako para magpapirma at kumuha ng litrato (hindi ako ito!) Heheheheh...

1 comment:

Anonymous said...

kaya pala nawala tong prend ko hehehehe sana ko rin makapag balikbayan dyan kaso matatagalan pa hehehehe