Friday, August 19, 2005

'Eto Na Ko

Matapos ang mahabang pagliban sa aking balagbag, 'eto na uli ako.

Wala pa ring nagbago sa 'Pinas, gano'n pa rin, paikut-ikot lang na problema. Mula sa patay-malisya nating presidente (na kesyo kinailangang magpunta ng kanyang asawa sa US para mapagtuunan niya ang kanyang trabaho) hanggang sa tuluy-tuloy na pagtaas ng bilihin, pamasahe, at kung anu-ano pa (kawawa naman si Juan dela Cruz 'di na siya nakabangon).

Ang mahirap tanggapin -- tayong lahat na Noypi ang guma(ga)wa ng problema, hindi lang ang presidente, ang dinayang eleksyon, ang baluktot na konstitusyon, ang 'di mawala-walang mga trapo at kung anu-ano pa -- lahat 'yan wala kang sisihin kundi ang sarili mo. Ang nakakalungkot lang, hindi tayo makaisip (tayong mga Noypi) ng solusyon na sasang-ayunan ng lahat.

Hay...

No comments: