Thursday, July 14, 2005

Pokikay...

Tuwing mababalita si Tom Cruise (at syempre si Katie Holmes) hindi pwedeng 'di mabanggit ang 'Scientology.' Teka, hindi ito tungkol 'don. Naaalala ko rin kasi yung kaklase ko 'non sa kolehiyo (itago na lang natin sa pangalang Pokikay, hehehehe).

Ang siste -- 'graded recitation' namin 'non sa 'Biological Science.' Si Pokikay ay kilalang magsasakang sosyal - 'wag lang makahawak ng salamin, kahit me klase aabalahin niya ang kanyang sariling magsaka ng mga 'whiteheads' niya. At nuon ngang puntong nagsasaka siya, minalas naman na siya ang tinawag ng aming matandang-dalagang propesora (na hindi pa yata nag-agahan nung oras na 'yon).

'Pokikay, what is the science of tissues?' tanong ng propesora habang binabalasa ang mga 'classcards.' Syempre, hindi agad nakasagot ang pobreng Pokikay. Eto't umiral ang kalokohan namin ng barkada ko (malapit lang kami 'ke Pokikay) at ibinulong namin ang sagot. Aba, at parang nabuhayan ng loob, taas-nuong sumagot si Pokikay -- 'mam, TISSUEOLOGY!'

Ang sumunod na pangyayari? Hindi napigilan ng buong klaseng humagalpak sa tawa! Galit na galit sa amin ang propesora, kulang na lang tirisin niya kami isa-isa para tumigil sa pagtawa. Binigyan niya kami ng 'surprise quiz' sa sobrang inis. At ang Pokikay? Patay-malisya, kunwari walang nangyari, nakitawa na lang, hawak ang kanyang salamin.

Alug-alugin ang utak para maalala mo ang sagot...

2 comments:

Anonymous said...

ngarag

Purong Naypi said...

hahahaha! bigla tuloy ako may naalala!