Thursday, July 14, 2005

Tagalog 'slang'

'Me nagtanong sa aking pasaway na puti, kung meron daw mga Tagalog 'slang' o salitang balbal. O 'di ba, nagmalaki pa ako -- oo naman! Sandamakmak, at diyan yata magaling ang Noypi.

Ilan sa mga sikat --
yosi - sigarilyo
haybol - bahay
tsikot - kotse (binaliktad)
utol - kapatid (galing sa kaputol)
deadma - patay-malisya
lonta - pantalon
anda/andalush - pera
astig - tigas o tigasin
waswas - asawa


Mga pinasikat ko dati --
syompet - pokpok (pasensiya, para madali mong maintindihan)
deadhorse - marijuana (mas kilala mo siyang chongki)
jurassic - sayaw na pinauso ko dati pag islaman na, heheheh
riverside - gin o bilog
toothbrush - 'sex' (pasensiya uli, para madali mong maintindihan, hehehe)
madonna - tawag ko sa babae pag di ko alam pangalan
yoga - kupit (o mating)


Mga pinasikat ko kailan lang --
pukelya - wala lang, tawag ko pag kakaiba 'yung tao
pasaway - dito ko pinapasikat (pasensiya), kailangan ko pa bang ipaliwanag?

Ikaw, tiyak ko marami kang 'ekstra-ekstra' sa dilatura (bokabularyo) mo.

1 comment:

Anonymous said...

chupchapchenezcrepalalou...