Hindi ito ang una kong 'blog' (na babansagan kong balagbag), pero ito ang magiging dakdakan ko simula ngayon (na isusulat ko sa Pilipino o Tagalog). Hindi ako magmamagaling, dahil tiyak may magagamit akong mga salitang 'English' o 'pop speak' pero Noypi kasi ako eh -- sa isip, salita, at gawa -- ikaw ba?
Malayo ako ngayon sa 'Pinas -- at sa mga sunud-sunod na mga pangit na pangyayari 'don, marami ang nagtatanong sa akin - 'proud' pa rin ba akong Pinoy? OO NAMAN. Noyping-noypi 'to no... puro. Kahit ano pa ang itatak sa atin -- kesyo 'DH by profession,' 'caregiver hub' o 'TNT topnotcher' - hindi ko itatangging Pinoy ako.
Pasensiya, kung merong problema ang Pinoy iyon eh walang iba kundi ang kanyang sarili. Sino nga ba ang Pinoy? Dapat nga hindi Pinoy ang tawag sa kanya eh, dapat Pasaway, kasi ang dami niyang 'only in the Philippines' na hindi mo malaman kung maipagmamalaki o ikahihiya mo. Meron nga bang 'identity crisis' ang Pinoy? Hmm, sige 'wag kang mahiya, sagutin mo.
Hay... 'ang buhay parang life' sabi nga ng mga coño. Minsan, kailangan mong malayo para talagang malaman mo kung gaano kahalaga ang pinagmulan mo. Kaya eto ako, nagpapasaway sa 'di kalayuan. Pag-uwi ko ng 'Pinas, mag-aalaga ako ng kuting, ipapangalan ko sa kanya - Garci. 'La lang...
2 comments:
sa totoo lang maraming pasaway na mga pinoy sa ibang bansa bakit nga ba? eh pano kahit iba ang pamamalalakad at pamumuhay sa ibang bansa pilit ginagawa ng mga pinoy ang nakasanayan nila sa ating sibilisasyon. kaya ayun marami ang nakakaranas ng problema. tapos malalaman mo nalang eto at humuhingi ng tulong sa gobyerno ng pilipinas.
sinabi mo.
Post a Comment