Sa isang 'cover story' ng Newsweek na nabasa ko (Marso 05) 'Who Owns English?' na-ekstra ang Noypi. Syempre, sa Asya, tayo yata ang pinakamagaling magsalita ng binansagang 'East Asian Standardizing English.'
'Kataka lang, tawag natin don eh Taglish (Tagalog-English), pero ang tawag pala nila eh Englog (English-Tagalog), pasaway, dating tuloy sa akin eh pagkain (parang tapsilog). Gusto ko sanang sulatan yung reporter (para magreklamo?), pero 'di ko na nagawa (o 'di ko na naalalang gawin). Sabi, maraming bansa na ang nagsisimulang mag-aral ng English (gaya ng India, na isa sa kilalang 'outsourcing/tech support capital') para makasunod sa 'globalization.' Pasensiya, 'second language' namin yan, 'heksfert kami jan' huwag lang magsabay ang 'p' at 'f' o ang 'v' at 'b.'
Sana nga, dahil yan ang una kong problema pagluwas ko ng 'Pinas! Wala akong makausap ('hello' lang ang kaya nila), hirap. Para akong pipi na tuturu-turo na lang, minsan nakakapag-Tagalog pa ako ng 'di ko sinasadya. Hay...
Sige, mamaya, magluluto ako ng hamsilog (na naman), Noypi-'style.'
1 comment:
as ip na mag mukhang pagkain ang pilipino dahil sa englog na yan pero mukhang masarap hehehehe! go sago!
Post a Comment