Oo, balitang balita dito ang kaguluhan sa 'Pinas (at 'yun din ang napagkukwentuhan naming mag-asawa). May mga nagbitiw na, bagsak na ang piso ('yon kasi ang binabantayan ng mga mangangalakal) at karamihan (daw) ay nagsusulong na ngayon ng pagbibitiw ni GMA - pero mariing sinabi niyang handa siyang harapin lahat ng akusasyon (kung magkakaroon man ng 'impeachment trial') at mas pagtutuunan ng pansin ang mga sinumpaang gawain.
Hindi, kung maka-sarili ako, sasabihin kong 'eh di maganda' o 'well and good' kasi mataas na ang palitan (malapit na yatang maging 57 ang piso laban sa dolyar), kaya lang hindi - nalulungkot ako (at nag-aalala) sa mas matagal na epekto ng krisis na ito sa ekonomiya ng 'Pinas (alam naman nating sabay-sabay tumataas ang presyo at bihirang bumababa ulit).
Oo, nananalangin akong maayos na ang kaguluhang ito sa lalong madaling panahon.
Hindi, kahit malayo ako, 'di ko rin maiwasang 'di mag-alala. 'Wag Niyo pong pabayaan ang mga Noypi.
2 comments:
sabi ko na nga ba ikaw yung nag email na purong tagalog e!!!!
-sleep-zero
dili man gyud...
Post a Comment