Kung (maaga kang) nakasali sa MakePovertyHistory.org o kaya nag-'upload' ng 'image' mo o nagpalista ng pangalan sa Live8Live.com, malamang naisama ka sa 'video clips' o kaya sa mga 'print displays' ng Live8 (malamang 'di mo rin makikita kasi malilito ka kung ano uunahin mong panoorin--London, Berlin, Philadelphia, atbp.). Pero hindi pa huli, tuluy-tuloy ang kampanyang ito, bago ganapin ang G8 Summit sa Scotland sa Hulyo 6-8, '05.
Hindi, sa bahay lang ako nanuod. Ewan ko sa 'Pinas kung pinalabas lahat, dito pinilit i-'cover' lahat ng 'venue.' Naluha talaga ako ng ipakita ni Bob Geldof (London) yung 'file video' ng Africa. Mga batang halos buto't balat na lang, hirap sa pagkilos, nagmumuta, nilalangaw, hubo't-hubad. Nakakabagbag naman ng loob (lalim 'non ha) na isa sa pinakitang bata, eh dalaga na ngayon (malusog na siya) at aral daw sa isang unibersidad.
Sa 'Pinas, deadma na ang a-ha, pero dito sikat sila, tumugtog sila sa Berlin. Syempre, tuwa ako sa Black Eyed Peas (Philadelphia) kasi me Pinoy 'don no. At walang kupas talaga si Michael Stipe ng R.E.M. (London), 'I'm not worthy' talaga, me pinta pa ang mukha. Si Craig David at Tina Arena ('go' siya kahit buntis) sa Paris nag-'duet' ng 'Come Together.' Sino'ng tatalo sa porma ni Bjork (Tokyo)? Hay, naalala ko ang 'high school days' ko nung kantahin ni Bob Geldof ang 'I Don't Like Mondays' naging 'anthem' namin 'yon dati no.
Hay, gtg, Audioslave na ang pinapakita (parang hirap na hirap si Chris Cornell sa 'Like A Stone')...
No comments:
Post a Comment