Saturday, July 02, 2005

Gyerang sorbetes

Napanood ko na ang 'War of the Worlds' ni Steven Spielberg.

Pasensiya, para siyang sorbetes (hmp, bawal sa akin lahat ng may gatas). Matigas siya 'nung una, na 'nung lasap na lasap mo na ang sarap, lumambot siya hanggang tuluyan ng natunaw (o, ano iniisip mo, sorbetes pa rin ang tinutukoy ko). Panoorin mo na lang para malaman mo (tutal mainit sa 'Pinas, sabayan mo ng pagkain ng sorbetes).

Syempre dahil Spielberg 'to, pamatay ang mga 'effects' pero ewan ko hindi ako masyadong nagulantang. Base ito sa 'classic' ni H.G. Wells na hinaluan ni Spielberg ng ibang anggulo--'di lang pang-pamilya, pang-pasaway pa. Ano pa bang magagawa ko eh katsokaran ni Spielberg si Tom Cruise (naniniwala sa 'Church of Scientology' na kaaway ngayon ni Brooke Shields at na 'wow mali' sa premier mismo ng pelikulang 'to), sinama pa ang tili-ng-tiling si Dakota Fanning, si Miranda Otto (mas maaalala mo siya sa 'Lord of the Rings') at ang pasaway na pagganap ni Tim Robbins (pasensiya, 'di ko kilala 'yung artistang gumanap na 'Robbie').

Hulaan mo kung ano nagpatunaw ng sorbetes - 'yung istorya o 'yung mga artista? Tiyak ko, paglabas mo ng sinehan, marami kang tanong.

No comments: