Sabi nila, ilang buwan lang, lilipas rin yung nararamdaman kong pangungulila. Pwede mo bang turuan ang sarili mong masanay sa pangungulila? Halos pitong buwan na ako dito, hindi lumipas o naibsan man lang, ganon pa rin ang nararamdaman ko, lalo lang akong nalungkot...
Lalo pa't nasanay akong 'me asawang matiyagang nag-aasikaso sa akin, 'me mga anak na mangungulit at kukulitin ko, at syempre 'me katabi sa pagtulog. "Pag nalulungkot ka, tingnan mo lang yung mga 'pics' at 'video' namin sa cp ('cellphone') mo" sabi ni Lhen, pero pag ginagawa ko 'yon, lalo lang akong nalulungkot...
Nagkakausap naman kami araw-araw, nakakapag-'Webchat' ng madalas, pero pagkatapos 'non, balik sa realidad -- lalo lang akong nangulila -- lalo lang akong nalungkot...
Kung pwede lang hilahin ang mga araw, ginawa ko na -- madalas kong sabihin, pero syempre imposible. Isinusubsob ko na lang ang sarili ko sa trabaho, minsan walang pansinan (o kaya walang tayuan), sabi nga sa akin ng isang pasaway na puti "you don't talk that much.." ngiti lang ako (ganon naman talaga ako), gusto ko siyang sagutin "there's not much to say..." o kaya "what's to say that you haven't heard..." Isa pa, ayokong magsayang ng oras para alamin kung ano'ng "the best pill to boost sex drive" o kaya "the best weed in town." Hay, lalo lang akong nalungkot...
2 comments:
Marc Hil, 'la lang, pag na-e-'emote' ako, eto ang resulta, hehehe.
ako din mahal lalo lang nalulungkot, everytime na kailangan ng mag log out o di kaya kailangan mo ng ibaba ang phone, balik sa realidad... nasa malayong lugar ang mahal ko...nag papasaway... nangungulila ...gaya ko!
Post a Comment