Friday, July 01, 2005

'Weekend' intriga

Naiintriga sila sa akin -- ano raw ang pinagkakaabalahan ko tuwing 'weekends.'

Dahil sa sakit kong bato ('kidney stone'), maraming bawal sa akin (alak, tsokolate, lahat ng masasarap, hay...), kaya sumama man ako sa mga gimik nila, tutunganga lang ako (kahit 'softdrinks' bawal sa akin). Isa pa, ibang klaseng gimik meron sila dito ('di mo na gugustuhing alamin pa). Mas gusto ko pang mag-isa kaysa sumama sa kanila (isnabero talaga). Sumasama naman ako kapag 'wholesome' ang gimik nila--iyon eh kapag kakain sa labas.

'Shopping' ang naging bisyo ko dito. Minsan, kahit me pasok, pag naiinis ako, hala punta sa 'mall' at mag-'release' ng tensyon sa pamamagitan ng 'shopping.' Tuloy, pag-uwi ko nito tiyak sandamakmak ang bagahe ko. Idagdag mo pa 'don yung mga 'paperbacks' na nabili ko dito.

Araw-araw, telebabad ako kausap si Lhen. Nagpapasalamat nga ako't merong 'Webchat.' Dahil dito, hindi lang kami nakakapag-'textchat' ni Lhen, nakikita ko pa siya at ang mga bata (at kita rin nila ako syempre) at 'me 'voicechat' pa. Yun nga lang, pagkatapos naming mag-'chat' balik agad sa realidad--hay, eto ako't nag-iisa, nalolongkot at walang magawa. Pero isipin mo dati na wala pang YM, kailangan mo pang gumawa at magpadala ng sulat (o mag-'voice recording' sa 'tape') at antayin ang sagot, mas mahirap nuon tiyak - 'di kaya ng 'powers' ko 'yon.

Biyernes na naman, magtatanong na naman sila kung anong meron ako ngayong 'weekend.' Pasensya, ~zero~ ako pag 'weekends' -- masaya akong maging abala sa pamilya ko.

No comments: