"The number of Filipino workers leaving the country for higher-paying jobs abroad breached the 500,000 mark in the first half of 2005. Acting Labor Secretary Danilo Cruz, citing figures from the Philippine Overseas Employment Administration, said a total of 502,772 OFWs were deployed abroad from January 1 to June 26 this year compared to the 483,496 OFWs deployed in the same period in 2004."Hmm, madami na pala 'kami.' Magandang senyales ba ito? Habe nga:
"We are confident that our goal to deploy a million OFWs globally continues on a firm and stable track," Cruz said in a statement. He added that with this development, OFW remittances could reach $10 billion this year. Last year, OFWs sent $8.5 billion to their dependents in the country. OFW remittances, it has been acknowledged, have kept the country's battered economy afloat."Hmm (ulit), parang 'di ko gusto ang tono ng 'confident' at 'goal to deploy' ni Cruz, na parang hinihikayat talaga ang Noypi na hanapin ang kanyang magandang kapalaran 'abroad' at magpadala ng bilyong dolyares. Oo, naniniwala akong malaking tulong ang mga 'remittances' pero may ginagawa ba para hindi na kinakailangang mangibang bansa pa para makahanap ng 'high-paying job?'
Karamihan sa mga Noypi na nangibang-bansa, tinalikuran ang maganda (sa pamantayan natin) nilang trabaho para kumita ng mas malaki (nurse sa 'Pinas, caregiver sa Canada; engineer sa 'Pinas, clerk sa Switzerland; teacher sa 'Pinas, yaya sa Hong Kong; atbp.) o kaya permanente nang manirahan doon. Walang mali (o nakakahiya) sa mga trabahong 'yon o sa paghahangad ng maayos na pumumuhay (sino bang ayaw yumaman?) -- kaya lang, kung ang mataas na pasahod (o masaganang buhay) eh wala sa 'Pinas, mapipigil mo nga bang lumaki ang bilang ng mga Noyping nangingibang-bansa?
Ayokong tawaging suwerte, pero marami rin naman ang katulad kong nakahanap ng kapareho o mas maganda pang trabaho sa labas ng 'Pinas. Dati, ni hindi sumagi sa isip ko ang mag-'abroad' - sabi ko, kaya ko 'to (hindi ko pinagtrabaho ang asawa ko kahit kelan). Pero, heto ako't nakipagsapalaran na rin, umaasang sa pag-uwi ko, 'di ko na kinakailangan pang umalis uli.
Sana, katulad ng ibang papaunlad na bansa, matuto na ang 'Pinas na tumayo mula sa pagkakadapa nito (kahit ilang beses pa) gamit ang sariling paa. At sana, ikaw, 'wag mong ikahiya, Noypi ka pa rin, kahit ano'ng trabaho mo, kahit 'san ka magpunta, 'wag pasaway, mag-Tagalog ka na lang.
No comments:
Post a Comment